Kilusan
ng mga Tagapagtanggol ng Bayan
|
PNoy!
Iba
pala ang boss mo—hindi sambayanan!
Baluktot
pala ang daan mo—hindi matuwid!
Alis
diyan!
Mga
Pamiminsala ni PNoy
Una:
pagwawalang-bahala sa mga mithiin at hinaing ng karaniwang
taumbayan at pagtangkilik sa inutil o korap na opisyales na
kaniyang kapanig sa pulitika
Ikalawa:
pagkunsinti at pagpapasimuno sa korapsyon
Ikatalo:
malakihang paglustay sa pera ng gobyerno sa pamamagitan ng DAP,
pondong Malampaya, at iba pa
Ika-apat:
pagkitil ng demokratikong karapatan at pagsulong ng sariling
diktadura
Ikalima:
pagiging kasapakat at pasimuno sa pagsabotahe sa halalan
|
Noong
naging Presidente si G. Benigno Simeon Aquino III alias PNoy sa taong
2010, ipinahayag niya na ang sambayanang Pilipino ang magiging boss
niya. Ipinagmalaki rin niya na diumano’y pamumunuan niya ang
paglalakbay sa daang matuwid sa pangagasiwa sa gobyerno.
Ngunit
iba naman ang ating masasagap sa mga pangyayari sa mag-aapat na taon
ng pamahalaan ni Pnoy.
Lumalabas
na ang boss ng PNoy ay hindi ang sambayanang Pilipino, kundi ang
kanyang kapamilya, kabarkada, kapartido at kapanig, kabilang dito ang
iilang pinakamayaman sa ating bansa.
Malinaw
ngayon na ang “daang matuwid” ni PNoy ay pagkukunwari lamang, at
ang tunay na pagkakalarawan sa kaniyang pangagasiwa ay “daang
baluktot.”
Narito
ang lima lamang sa maraming patunay na ang boss ni PNoy ay iba sa
sambayanan, at ang kanyang daan ay daang baluktot.
Una:
pagwawalang-bahala sa mga mithiin at hinaing ng karaniwang taumbayan
at pagtangkilik sa inutil o korap na opisyales na kaniyang kapanig sa
pulitika
Tinalikuran
ni PNoy ang kanyang tungkuling isulong ang kapakanan ng sambayanang
Pilipino at bigyang katuparan ang mithiin ng taumbayang magtamasa ng
sapat na kabuhayan at maayos na pamumuhay.
Hindi
talagang nilabanan ni PNoy ang mga ugat ng pagdarahop ng nakararami
sa lipunang Pilipino—mga ugat na walang iba kundi ang
di-makatarungang sistema sa ekonomiya at sa pulitika, at ang talamak
na korapsyon sa gobyerno.
Sa
halip, hinayaan niya ang walang-kapantay na pagtaas ng presyo ng
pangunahing bilihin at serbisyo, tulad ng bigas at iba pang pagkain,
tubig, kuryente, panggatong, at transportasyon. Samantala,
nagbulagbulagan siya sa lumulubhang pagliit ng tunay na kita ng mga
magsasaka, mangingisda, manggagawa, empleyado, sundalo, pulis, at
karaniwang propesyunal at negosyante. Patay-loob siya sa paglala ng
kondisyones na pinapasan ng taumbayan sa trabaho at negosyo.
Ikalawa:
pagkunsinti at pagpapasimuno sa korapsyon
Kalakaran
ng pamamahala ni PNoy ang pagkunsinti sa korapsyon ng kamag-anak,
kaibigan, kabarkada, kapartido, at kapanig.
Tuluy-tuloy
ang korapsyon sa Bureau
of Customs,
at tuluy-tuloy ang malakihang pagpuslit ng bigas, asukal, mga
aplayans sa opisina at sa bahay, mga elektronikong kalakal, langis,
black
sand at
iba pang mineral, at iba pang uri ng kalakal. Sa masahol na
situwasyong ito nananatiling bantulot si PNoy sa pagpa-imbestiga at
paglitis sa mga kilalang smuggler,
laluna yaong mga kapanig niya.
Tuluy-tuloy
ang jueteng at iba pang ilegal na sugal, at halata ng nasusuklam na
publiko ang pag-aagawan ng mga kamag-anak at kapanig ni PNoy sa
mabultong pamemera sa jueteng at iba pang ilegal na sugal.
Ikatlo:
malakihang paglustay sa pera ng gobyerno sa pamamagitan ng DAP,
pondong Malampaya, at iba pa
Labag
sa batas at sa publikong moralidad, pinahintulutan ni PNoy ang
malakihang paglipat ng pondo ng gobyerno, sa paraan ng
maka-anomaliyang Disbursement Acceleration Program (DAP), lingid sa
kaalaman ng Konggreso, hindi awtorisado ng batas, at walang publikong
pag-uulat kung sa ano at kung papaano ginamit ang nabanggit na pondo.
Kabahagi
nito ang lihis na paglaan ng pondo ng gobyerno na maging dagdag na
“pork barrel” upang makuha ng administrasyon ni PNoy ang
kooperasyong pulitikal ng mga Kinatawan at mga Senador sa Konggreso
at ng iba pang opisyal ng gobyerno.
Napag-alaman
din ng taumbayan ang ilegal na paggastos ng pondong Malampaya sa mga
proyektong walang kinalaman sa enerhya, at sa halip ay itinutok ang
paggastos na ito sa pagsulong ng interes na pulitikal ni PNoy at ng
kaniyang dilawang partido at mga kapanig.
Ika-apat:
pagkitil ng demokratikong karapatan at pagsulong ng sariling
diktadura
Masugid
na kumilos sina PNoy at kaniyang mga alipores upang makontrol, sa
pama- magitan ng kumbinasyon ng suhol at ng banta, ang dalawang
kamara ng Konggreso, ang COMELEC,
ang Commission
on Appointments,
ang Ombudsman,
at iba pang institusyon ng gobyerno. Ginamit ni PNoy ang kontrol na
ito, upang bale-walain ang demokrasya at ang pamamayani ng batas, sa
paraan ng pagsagawa ng sariling kagustuhan, kahit na ilegal, at sa
pagpapahirap at pagmamalupit sa kaniyang mga katunggali sa pulitika
at personal na kinamumuhian.
Pati
ang pag-asenso ng mga officer
sa
Armed
Forces of the Philippines at
sa Philippine
National Police ay
ipinipilit nina PNoy at kaniyang mga kapartido na ipasailalim sa
kontrol ng mga pinuno ng dilawang partidong pulitikal ni Pnoy.
Sa
ganoong mga maka-diktadurang paraan itinangka ni PNoy at ng kaniyang
mga ka- partido at kapanig ang pananatili nila sa paghawak sa
kapangyarihang estado lampas pa sa susunod na halalang nakaskedyul sa
Mayo 2016.
Ikalima:
pagiging kasapakat at pasimuno sa pagsabotahe sa halalan
Noong
2010 isinagawa ng COMELEC
ang
kahindikhindik na paglabag sa batas-elektoral at pagsabotahe sa
halalan. Tahasang labag sa probisyon ng Artikulo 40 ng Republic
Act 9369
(Election
Automation Law),
inutusan ng COMELEC
ang
mga miyembro ng Board
of ElectionInspectors
(BEI)
na huwag lapatan ng kani-kanilang timbreng elektroniko ang mga
elektronikong Election
Returns (ER)
na itatransmite ng makinang Precinct
Count Optical Scan (PCOS).
Sa gayon sadyang nahaluan ng napakaraming palsong transmisyon ang
pumapasok sa mga Canvassing
and Consolidation Servers (CCS)
sa mga munisipyo at siyudad. Ipinagbili ng mastermind
nito
ang tusong teknolohiya sa pandaraya na ito sa ilang pulitiko. Sa
ganitong paraan naragdagan ang diumano’y bilang ng boto ni PNoy sa
pagka-presidente, at marami pang ibang pulitiko ang nakinabang sa
pandarayang ito.
Sa
harap ng masaklap na pangyayaring ito, walang kibo si PNoy dahil
nakinabang siya sa pandarayang naganap noong halalan ng 2010. Ito raw
ang daang matuwid.
Noong
2013 inulit ng COMELEC
ang
paglabag sa batas upang magkamal ng pera sa pagbibili ng pandaraya.
Noong 2013, sa pakikipakuntsabahan ng administrasyon ni PNoy at ng
COMELEC,
naisagawa muli ang pagsabotahe sa halalan upang palabasin na nagwagi
diumano ang mga piling kandidato ng pamahalaan.
Ito
raw ang daang matuwid ni PNoy. Malinaw na siya’y hindi lamang
kunsintidor sa korapsyon at pandaraya, kundi korap at mandaraya rin,
at dagdag pa, siya’y nagmamalinis at nagkukunwari.
Mga
kababayan, magtulung-tulungan tayo na sagipin ang Inang Bayang
Pilipinas, na nasadlak sa kapahamakang dulot ng korapsyon at
pandaraya nitong mapagkunwaring dilawang naghahari-harian at kaniyang
mga kapanig.
Sa
gayon:
Bigyang
wakas ang kapahamakang ito!
Patalsikin
ang dilawang naghahari-harian—ngayon din!
Iluklok
ang sambayanan—panahon na!
Metro
Manila
1
June A.D. 2014 / 3 Sha’aban A.H. 1435