01 March 2022

People's Draft: Palakasin ang mga rehiyon, upang lahat kayang maka ahon

Bakit ang mga probinsya, palaging dumudulog sa Maynila, hindi lang sa mga mahalagang programa, pati na rin sa mga sakuna, bagyo, baha, lindol, bulkan, at pandemya? Wala bang marunong at matino sa mga rehiyon, sa Maynila lang talaga merong ganoon? Diba maraming nasa Maynila, galing din naman sa probinsya? Kaya nagsisikipan nang marami duon, mga negosyante at manggagawa kaunti lang sa rehiyon. Mga malalaking programa, plano at proyekto sa rehiyon, aprubado ng mga taong ‘di pa naka punta duon. Kapag may kuro-kuro o reklamo ang mga taga-kanayunan, kinikimkim at tinitiis na lamang. Baguhin at ayusin na natin ang sistema sa mga rehiyon, nang umayos ang pamamalakad at kabuhayan duon. Bigyan sila ng sapat na kapangyarihan, nang makatulong sa kaunlaran ng bayan. Palakasin ang mga rehiyon, upang lahat ay kayang maka-ahon. #PeoplesDraft


No comments:

Post a Comment