“SALOT
SA LIPUNAN” AWARD
Mga
kababayan,
Heto
na po ang TOP 20 na mga nominado para sa “Salot sa
Lipunan” Award.
Sila
po ang mga tao o samahan na nagdulot ng pinaka-matinding
pagpakasakit, pagpakahirap at pagsasamantala sa taumbayan sa
kasalukuyang panahon.
Bumoto
na po kayo upang malaman natin kung sino sa mga ito ang dapat unang
panagutin.
Maaasahan
po ninyo na makatotohanan ang pagbilang ng mga boto, dahil mano-mano
ang aming pamaraan. Bawal po ang PCOS dito sa aming tanggapan.
Sumasainyo,
Kilusan ng
mga Tagapagtanggol ng Bayan (KTB)
- o -
ANG MGA
NOMINADO:
1.
Presidente Benigno Simeon “Noynoy” Cojuangco-Aquino III.-
Siya ang kasalukuyang pinuno ng oligarkiya sa bansa. Sa kasawiang
palad, siya din ang kasalukuyang pinuno ng buong gobyerno, sakop ang
Office of the President, Senate, House of Representatives, Supreme
Court, atpb, kasama na ang mandarayang Comelec na
naglukluk sa kanya sa puwesto. Gamit ang trilyones na “pork
barrel,” ginagawa niya ang kahit na anong gusto niya, tulad ng
pagpapakulong sa kanyang kaaway na si PGMA, at pagpapatalsik sa
puwesto ng isa pang kaaway na si CJ Corona. Lingid sa kaalaman ng
taumbayan, si Arroyo ang nag-revoke sa agrarian reform
exemption ng Hacienda Luisita. Si Corona naman ang namuno sa
Korte Suprema na pagtibayin ang rebokasyon. Sa ilalim ng rehimen ni
Presidente Noynoy, tuloy-tuloy ang pag-angkin ng Pamilyang
Cojuangco-Aquino sa Hacienda Luisita, kahit pa man wala silang
karapatan dahil pera at garantiya ng gobyerno ang ginamit na pambili
dito.
2.
Pamilyang Cojuangco-Aquino.- Sila marahil ang
pinaka-makapangyarihang oligarkong pamilya sa kasalukuyan. Ayon nga
sa kasabihan - “absolute power corrupts absolutely.”
Mahigit 100 taon na nilang pinagsasamantalahan ang bayan, mula pa
nuong himagsikan laban sa mga Kastila. Naging kasabwat ng mga
Amerikano, ng mga Hapon, at ngayon ng mga Amerikano muli. Kahit na
anong karahasan, pandarambong at pandaraya na sangkot sila, absuwelto
kaagad hindi pa man nag-umpisa ang paglilitis. Ito ay sa dahilang
kinikilala silang pamilya ng mga santo at bayani. Amen.
3. Pamilyang Lopez.- Sila ang maaaring pinaka-makapangyarihang oligarkong pamilya sa buong kasaysayang ng bayan. Mahigit 100 taon na rin silang naghari-harian sa bayan. Sila ang mga pangunahing tuso sa pag-gamit ng pahayagan o mass media para sa pangangalakal at siempre para sa pulitika. Halos lahat ng hinahawakang negosyo ay bumabagsak sa pagkalugi, ngunit palaging ligtas sa pagka-bangkarote. Ito ay sa dahilang pinapabayaran nila ang kanilang mga utang sa gobyerno, na kumukuha naman ng perang pambayad sa taumbayan. It's more fun in the Philippines!
3. Pamilyang Lopez.- Sila ang maaaring pinaka-makapangyarihang oligarkong pamilya sa buong kasaysayang ng bayan. Mahigit 100 taon na rin silang naghari-harian sa bayan. Sila ang mga pangunahing tuso sa pag-gamit ng pahayagan o mass media para sa pangangalakal at siempre para sa pulitika. Halos lahat ng hinahawakang negosyo ay bumabagsak sa pagkalugi, ngunit palaging ligtas sa pagka-bangkarote. Ito ay sa dahilang pinapabayaran nila ang kanilang mga utang sa gobyerno, na kumukuha naman ng perang pambayad sa taumbayan. It's more fun in the Philippines!
4. ABS-CBN.- Ito ang pangunahing instrumento na gamit ng Pamilyang Lopez sa pagbalita ng mga kasinungalingan. Magaling sa pag-akusa kahit walang ebidensiya, at mabilis sa pag-absuwelto kahit may ebidensiya. Pinapatakbo ito ng mga propesyonal na propagandista tulad ni Ted Failon at Ricky Carandang (na sa kasalukuyan ay propagandista ng Malacañang).
5.
INQUIRER.- Ito ang pangunahing pahayagan ng balitang
kasinungalingan. Hanapbuhay nila ang pagdiin sa mga inosente at
pagpalaya sa mga may-sala. Ibinibenta ang “headlines” kasama ang
kanilang kaluluwa sa kahit na sino basta't may pera. Binansagan
silang AC-DC o “attack-and-collect” at “defend-and-collect”.
Ngunit kabaliktaran ang nangyayari sa totoong buhay. Higit na angkop
ang “collect-and-attack” at “collect-and-defend”. Ibig
sabihin ay “money down.” Bukod sa balitang kasinungalingan, meron
din silang mga manunulat ng kasinungalingan, tulad ni Conrado de
Quiros.
6.
PHILSTAR.- Ito ang pangunahing pahayagan ng balitang dilawan.
Pag-aari ng pamilya ng Punong Tongressman Feliciano Belmonte, wala na
silang ginawa kundi sambahin ang Pamilyang Cojuangco-Aquino, at
dikdikin ang mga kalaban nito. Palaging bulok ang mga headlines
nito, kundi alay sa mga Aquino-Cojuangco, ay hidden agenda
naman ng Gobyernong Amerikano.
7.
RAPPLER.- Ito ang pangunahing instrumento ng Oligarkaya sa
pagpakalat ng balitang kasinungalingan sa cyber space.
Pinamumunuan ito ni Maria A. Ressa, ang dating punong propagandista
ng Pamilyang Lopez sa ABS-CBN. Gamit ang teknolohiya, binibigyan nila
ng bagong anyo ang mga lumang pamamaraan ng panlilinlang.
8.
SWS.- Ito ang pangunahing tagapagpalaganap ng kasinungalingan
tungkol sa iba't-ibang aspeto ng lipunan sa pamamagitan ng mga huwad
at bayad na survey. Ang SWS ay pinamumuan ng mga kaalyado ng
Pamilyang Cojuango-Aquino,
9.
Pulsa Asia.- Ito ang kaakibat na tagapagpalaganap ng mga
pekeng survey, laban sa
katotohanan at pabor sa kasinungalingan. Ang Pulse Asia na
binansagang False Asia,
ay pag-aari ng mga kamag-anak at kaalyado ng Pamilyang
Cojuangco-Aquino.
10.
Makati Business Club.- Ito ang samahan ng mga
negosyanteng gahaman. Dahil hindi pa lubos na nasiyahan sa hawak na
kayaman, pilit itinataguyod ang kanilang monopoliya, gamit ang mga
batas na ipinagbabawal ang pagpasok ng mga dayuhang negosyante. Sila
ang mga Pinoy, Tsinoy at Tisoy na barat magpasuweldo sa tao, at hindi
nagbabayad ng buwis sa gobyerno. Bagamat 10 milyones na sa mga
kababayan natin ang nagtatrahabo bilang OFW sa mga dahuyang
negosyante, iginigiit pa rin ng MBC ang “nasyonalismo kuno” laban
sa mga dayuhang negosyante. Ang resulta ng kanilang gahamang
monopoliya, kulang ang mga trabaho at mahal ang mga presyo. Ang MBC
ay nasa ilalim ng pamumuno at pangangasiwa ng mga pamilyang
Cojuangco-Aquino at Lopez.
11.
KKK.- Sila ang mga bagong “crony” na hinirang ni
Presidente Noynoy. Sila ang mga Kaklase, Kaibigan at Kabarilan, tulad
ni Paquito Ochoa ng OP, Rico Puno na dating sa DILG, Kim Henares sa
BIR, Virgie Torres sa LTO, at Edwin Lamierda ng OP (na dating
alipores ng Black & White). Kasama dito ang mga bagong sugo ng
inhustisiya o kawalang-katarungan, tulad ni Chief Justice Lourdes
Sereno at Justice Mavic Leonen ng Korte Suprema, at ni Secretary
Leila de Lima ng DOJ. Hindi naman nagpapahuli ang punong mandaraya na
si Sixto Brillantes, ang abogado ni Presidente Noynoy na kasalukuyang
Chairman ng Comelec.
12.
Hyatt 10.- Sila ang mga Capataz ni Haciendero Noynoy,
pangunahing ehemplo ng pagka-hudas at pagka-oportunista, tulad ni
Dinky Soliman ng DSWD, Ging Deles ng OP, Butch Abad ng DBM.
Pinamumunuan sila ng walang iba kundi ng Punong Senatong Franklin
Drilon. Kunwari may sariling paninidigan, pero sa Haciendero
sunud-sunuran.
13.
Akbayan.- Sila ang mga bastos at garapal na rallyista ni
Haciendero Noynoy. Pinamumunuan ang samahang ito ng mga pekeng
ideyologo, tulad ni Ronald Llamas, Walden Bello, Eta Rosales at Rizza
Hontiveros. Kunwari kakampi ng manggagawa at magsasaka, pero
nagmamaang-maangan sa usaping Hacienda Luisita. Kunwari nasyonalista
pero kusang sinusulong ang Depopulation Agenda ng mga
makapangyarihan at dahuyang bansa, gamit ang iba't ibang paraan ng
ka-demonyohan, tulad ng same-sex marriage, free
contraception at free abortion, na nauuwi sa free sex
na siyang sanhi ng pagkawasak ng
tahanan. Higit na mabuti pa sana kung yung programang family
planning na lamang ang itinataguyod. Kahit papaano, ang family
planning ay nakatutok sa mga pamilya o indibidwal na maraming
anak, at hindi yung kahit sino na lang ang pinupuntirya.
14.
Militarista.- Sila ang mga armadong kasapi ng AFP at PNP na
gustong maghari-harian sa bayan ngunit wala namang kakayahan. Sila
rin ang tumatayong guwardiya sibil ni Haciendero Noynoy, tulad ni
Antonio Trilyones, Pinky Lacson at ang tukayo na sina Danilo Lim at
Alfredo Lim. Bagamat hawak nila ang baril, bala at granada, hawak
naman ni Noynoy ang mga bayag nila. Para sa bayan daw sila, subalit
sa totoo lang, para sa Haciendero lang pala.
15.
Trapo.- Sila ang mga Senatong at Tongressman na
lantarang nakikipagsabwatan sa sinumang naka-upong Presidente (simula
kay Cory Aquino hanggang kay Noynoy Aquino) upang lustayin at ubusin
ang kaban ng bayan. Gamit ang batas, ginagawan nila ng iba't ibang
paraan, upang mapadali ang pandarambong sa pera ng bayan. Ito ang
perang tinatawag na pork barrel, may
halagang Php200 milyones bawat Senatong, Php70 milyones bawat
Tongressman, at siempre ang pinakamalaki sa buong kasaysayan ng
bansa, Php1.3 trilyones para kay Presidente Noynoy.
16.
Noytards.- Sila ang mga masugid na taga-subaybay ng mga
balitang kasinungalingan ng ABS-CBN, Inquirer at Philstar. Buong
akala na makabayan at matalino sila, ngunit ang katotohanan mga
uto-uto lang pala ng Oligarkiya. Kahit na anong gawin ng Pamilyang
Cojuangco-Aquino ay palaging tama, at kahit na anong gawin ng mga
kalaban ay palaging masama. Sayang ang oras na pakikipagtustos sa mga
ito, dahil sarado na ang mga utak at nakalimot na sa common sense
o pangkaraniwang kaisipan. Sila ang mga panatikong kasapi ng kultong
dilawan tulad ni Jim Paredes at Harvey Keh (na sa kasalukuyan ay
nagpapakalat ng kamangmangan sa mga estudyante sa Ateneo).
17.
Abu Sayyaf.- Sila ang pinakamalaking samahan ng terorista dito
sa Timog Silangang Asya na tumatayong galamay ni Osama. Sukdulan ang
karahasan at pumapatay ng walang anuman sa ngalan pa man din ng Diyos
at bayan. Magaling sa negosyong “kidnap-for-ransom”, at mahilig
magpasarap sa panggagahasa. Sana ay sila-sila na lang ang mag-ubusan,
nang matahimik na ang bayan.
18.
CPP-NPA-NDF.- Sila ang pangunahing tagapagtaguyod ng kasakiman
at karahasan. Hindi sila naniniwala sa Diyos, dahil sa kanilang
isipan sila ang tumatayong diyos dito sa bayan. Pakay angkinin ang
lahat ng ari-arian, kayamanan, kabuhayan, at handang magpataw ng
kamatayan sa lahat ng tumututol at lumalaban. Nakakalat sila sa buong
lipunan, gamit ang iba't ibang mapanlinlang na samahan, tulad ng
Bayan Muna, KMU (Labor), KMP (Farmers), LFS (Youth), ACT (Teachers),
Courage (Government), Gabriela (Women), Karapatan (Human Rights), TFD
(Church), Piston (Transport), Pasaka (Lumad), NUSP, Kadena, AHW,
FLAG, TFAM, PCPR, NCCP (Church), Transmission (Transport), YND,
Anakbayan, Armas, EMJP, Kalinaw-Mindanao, NABILUPA (Lumad),
Pamalakaya (Fishers), CEGP, Ibon Foundation, Anakpawis (Labor),
Migrante (Labor), Kabataan (Youth). Sila daw ay makabayan, ngunit ang
kanilang idolo lahat dayuhan, tulad ni Karl Marx, Friedrich Engels,
Vladimir Lenin, Josef Stalin at Mao Tse Tung. Sana si Joma Sison na
lang, na siyang mastermind ng Plaza Miranda Bombing, at
pinaka-unang terorista dito sa Timog Silangang Asya. O di kaya si
Ninoy Aquino, ang Oligarkong padrino ng CPP-NPA-NDF, na naghimok kay
Joma Sison at Kumander Dante na magsanib puwersa sa loob mismo ng
Hacienda Luisita. Kaya naman pala sa Plaza Miranda, halos lahat ng
kapartido, kaalyado at kaibigan ni Ninoy Aquino ay tinamaan ng
pasabog na bomba, maliban sa kanya na himalang nakatakas sa
karahasan.
19. Gobyerno ng Amerika.- Ito ang pangunahing berdugo sa mundo. Hindi matanggap ang katotohanan na palubog na ang kapangyarihan, kaya pilit nag-uumpisa ng digmaan sa iba't ibang sulok ng sanlibutan (tulad dati sa Iraq at ngayon naman sa Syria), maipakita lamang ang kamandag na naiwan. Tagapagtaguyod daw ng demokrasya at kaayusan, pero “padrino” pala ng pandaraya sa halalan. Gamit ang iba't ibang teknolohiya, ang halalan pinapawalang bisa. Tulad sa pinamudmod na PCOS, hindi alam kung saan nagmula, and mga resultang kaduda-duda. Walang tigil na pakikialam sa kalakaran ng iba't ibang bansa, hindi pa man natugunan ang mga panlipunan niyang problema. Sana ay inatupag na lamang niya, ang pagbayad ng napakalaking pagka-utang sa China.
19. Gobyerno ng Amerika.- Ito ang pangunahing berdugo sa mundo. Hindi matanggap ang katotohanan na palubog na ang kapangyarihan, kaya pilit nag-uumpisa ng digmaan sa iba't ibang sulok ng sanlibutan (tulad dati sa Iraq at ngayon naman sa Syria), maipakita lamang ang kamandag na naiwan. Tagapagtaguyod daw ng demokrasya at kaayusan, pero “padrino” pala ng pandaraya sa halalan. Gamit ang iba't ibang teknolohiya, ang halalan pinapawalang bisa. Tulad sa pinamudmod na PCOS, hindi alam kung saan nagmula, and mga resultang kaduda-duda. Walang tigil na pakikialam sa kalakaran ng iba't ibang bansa, hindi pa man natugunan ang mga panlipunan niyang problema. Sana ay inatupag na lamang niya, ang pagbayad ng napakalaking pagka-utang sa China.
20.
Gobyerno ng China.- Ito ang pangunahing berdugo sa Asya. Dahil
hindi pa lubos na kontento sa kanyang malawak na lupain, mga
nakapaligid na purok at bansa ay pilit pang sakupin, tulad ng Tibet,
Kashmir, Taiwan, Paracel at Spratley Islands. Siya rin daw ang
may-ari ng South China Sea dahil nasa pangalan niya ito. Dahil nais
samsamin pati karagatan, mas mainam kung inumin na niya ang tubig
alat dito hanggang sa mabusog siyang lubusan. Gamit ang bagong
kayamanan, nagpapamudmod ng pera sa iba't ibang panig ng mundo,
kapalit ang likas yaman at kapakanan ng salinlahi sa hinaharap. Gamit
naman ang bagong lakas militar, nakikipagbangayan sa ibat' ibang
magkalapit na bansa, pilit gawin at kunin ang gusto, nasa tama man o
mali. Huwag sana siyang magmadali. Balang araw ay magtutuos din.
No comments:
Post a Comment