PEOPLE'S
MANUAL AUDIT
UPANG
MALAMAN NG SAMBAYANAN KUNG MAKATOTOHANAN ANG RESULTA NG PGBILANG NG
PCOS, TINATAWAGAN
ANG TAUMBAYAN NA GUMAWA NG SARILING PEOPLE'S
MANUAL AUDIT (PMA).
ITO
NA ANG TANGING PARAAN UPANG MALAMAN KUNG TAMA O MALI ANG PAGBILANG NG
PCOS.
ANG
PAGSAGAWA NG PMA AY DIREKTANG PAGKILOS NG TAUMBAYAN UPANG GAMPANAN
ANG KANILANG TUNGKULIN AT KARAPATAN NA PANGALAGAAN ANG “SANCTITY
OF THE BALLOT.”
BOTANTE
KA MAN NI ______ (KANDIDATO A) O NI ______ (KANDIDATO B) SA PAGKA
_______ (POSISYON), NAIS NATING LAHAT ANG MALINIS AT MAKATOTOHANANG
HALALAN.
HETO
PO ANG PROSESO NG PMA:
1.
PAGKATAPOS BUMOTO, BIBIGYAN ANG BOTANTE NG BALOTANG PMA UPANG KULAYAN
O I-SHADE.
2.
IHUHULOG NG BOTANTE ANG BALOTANG PMA SA
NAAANINAG NA DROP BOX
NA MAY NAKATATAK NA PMA.
3.
MATAPOS IHULOG ANG HULING BALOTANG PMA,
BIBILANGIN ANG BOTO NANG MANO-MANO.
4.
IKUKUMPARA NAMAN ANG RESULTA NG PMA
SA RESULTA NG PCOS.
5.
KUNG PAREHO ANG RESULTA, SAMAKATUWID TAMA ANG BILANG NG PCOS.
KUNG HINDI, MAAARING MAY DEPEKTO SA SISTEMA O ELEKTRONIKONG
PANDARAYA.
6.
KUNG MAGKAIBA ANG RESULTA, DAPAT MANAWAGAN KAAGAD ANG SAMBAYANAN SA
DEPED SUPERVISOR/COMELEC
UPANG ISAMA ANG PRESINTONG MAY PROBLEMA SA RANDOM
MANUAL AUDIT (RMA).
7.
KUNG ANG PAGKAKAIBA NG RESULTA AY MAPATUNAYAN SA RMA,
DAPAT MANAWAGAN KAAGAD ANG SAMBAYANAN SA DEPED
SUPERVISOR/COMELEC NA IMBESTIGAHAN ANG
“ROOT CAUSE”
AT MAGSAGAWA NG “MANUAL COUNT”
NANG AYON SA BATAS.
UPANG
MAGING MALINIS AT MAKATOTOHANAN ANG HALALAN, TINATAWAGAN ANG MASS
MEDIA NA SURIIN ANG BUONG PROSESO, NA
MAGSISIMULA SA PMA.
SALAMAT
SA INYONG SUPORTA AT NAWA AY PAGPALAIN NG DIYOS ANG ATING BANSA AT
ANG ATING DEMOKRASYA.
No comments:
Post a Comment